Mga Banat ni Donya Ina




ANTOK

Anak,
Bakit gising ka pa? Nabasa ko nga pala yung post mo na: "ang tagal naman akong dalawin ni antok!" Anong kabaliwan yan nak? Umaakyat na ba ng ligaw ang antok sa panahon ngayon at kelangan ka pang dalawin?

Paki-explain. Labyu!

*****

FANSIGN

Anak,
Ano nanaman ba yung status update mo?WHO WANTS FANSIGN?. Eto pala seselfie mo kanina na may kasamang papel na may pangalan ng mga imaginary fans mo? Matanong ko lang. Artista ka ba? Ano ba ang mayroon sa fansign na yan? Anak, pumikit ka nga. Di ba wala kang nakikita? Ganyan karami ang taong gusto magkaroon ng fansign mo. Kung feeling mo ay mala Ann Curtis ka na. Sige Eh Push lang natin yan! Tatawag na rin ako ng photographer ng makapag photoshoot ka at maipa billboard natin sa EDSA yung fansign mo.

Paki-explain. Labyu!

*****

SEXY

Anak,
Nabasa ko status mo, "Ang SEXY ko talaga." Hindi ka sexy anak, payat ka lang. Anong pag-iinambisyosa 'to?

Paki-explain. Labyu!

*****

ONLINE CONTEST

Anak,
Balita ko sumali ka nanaman sa isang Online Contest. Paramihan ng Likes sa Picture. Para ka ng kandidato na tumakbo sa eleksyon. Busy sa pamimilit ng mga taong magla-like ng picture mo. Patu ba nmana ako at sendan mo pa ng pm mo. Please Palki LIKE naman ng Picture ko! Anong kabaliwan yan? Maganda ka na nyan?

Paki-explain. Labyu!

*****

ABS

Anak,
Marami bang mag lalike sa picture mo pag nakita nila ang abs mo sa mukha? yung totoo nag gygym ka o nag phophotoshoot? anong pag fefeeling gwapo nanaman ba yan?

Paki-explain. Labyu!

*****

CONGRESSMAN

Anak,
Bakit kapag may naglike ng status o picture mo kelangan lahat pinasasalamatan mo? Ano ka? Congressman?

Paki-explain! Labyu!

*****

PLEASE "LIKE"

Anak,
Ano yung chinat mo sakin, "Hello guys, please like my profile picture. Thanks!" Anong pagmamaganda na naman 'to?

Paki-explain. Labyu!

*****

HASHTAG

Anak, 
Kailangan ba na punuin mo ng hashtag bawat post mo sa Instagram? nag post ka pa kung mas marami pa ang hashtag mo kesa sa picture mo. Ano to? HASHTAGRAM?

Paki-explain. Labyu!

*****

STARBUCKS

Anak,
Galing ka nanaman ba ng Starbucks? Ginawa mo nanamang studio ang Starbucks? nag pictorial nanaman ba kayo ng inorder mo? ung totoo? coffee shop yan o photo studio?

Paki-explain. Labyu!

*****

GM (Group Message)

Anak,
Kailangan ba na mag GM bago matulog? Yung totoo? Artista ka ba? may mga fans ka ba na mababaliw at maiiyak kapag naka tanggap sila ng text galing sayo? Sige sa halip na magdasal ka bagi matulog eh GM ang inaaatupag mo? anong pag mamaganda nanaman yan?

Sige nga! Paki-explain. Labyu!

*****

GRADES

Anak, 
Alam ko matalino ka. Pero bakit kailangan mong ipost lahat ng grades mo sa wall mo sa Facebook? Nakakadagdag talino ba ang pagpost mo ng grades mo sa Facebook mo? Di ka pa nakuntento, nag-tag ka pa ng classmates mo, para purihin ka at kainggitan ka.

Anong kaartehan at pagmamagaling yan? Paki-explain. Labyu!

*****

FIRST COMMENT

Anak, 
Nakita ko yung comment mo sa status ng kaibigan mo, "First to comment". May matatanggap ka bang diploma nyan?

Paki-explain. Labyu!

*****

BRACES

Anak, 
Alam kong naka-BRACES ka. Pero hindi ibig sabihin nun maganda ka na ha? Nagmukha ka lang PIRANHA.

Naexplain ko na! Labyu!

*****

TEARY EYED

Anak, 
Nakita ko ang picture mo sa FB na nakangiti ka at teary eyed pa at may quote pa na "I'm smiling. But i'm dying." Anong kagagahan yan?

Paki-explain. Labyu!

Papa Jack Quotes



Mag-ingat sa pagbibitiw ng SALITA.
Tandaan na ang bibig mo ay walang kasamang PAMBURA.

 *****

Hanggat mahal mo sya sabihin mo sa kanya araw araw.
In any way, it will not harm you. Basta wag ka lang hihingi ng kapalit.

***** 

Ang babae pagsisilbihan ka niyan.
Susundin lahat ng utos at gusto mo maging masaya ka lang.
Ang gusto lang nilang kapalit ay mahalin mo sila
at irespeto at higit sa lahat wag mo silang sasaktan

***** 

Minsan kahit alam mong makapapanakit ka, ginagawa mo pa rin.
Walang mang-aagaw kung walang magpapaagaw…
At ang pagtanggap sa katotohanan ay hindi madali…
pero kailangan mong tanggapin.

***** 

The one who really love you is not the one
who remove the buttons of your dress.
But it’s the one who closed it and say…
YOU DESERVED TO BE RESPECTED

***** 

Do not do anything to push the person that you love away.
Kasi kapag nawala yan, there’s no one to blame but yourself.
How do you move on from the the pain na ikaw mismo ang gumawa?

***** 

Hindi effort ang text, that’s just maintenance.
Pano magiging effort yan e pipindot pindot ka lang naman dyan

***** 

Hindi tamang magpa-importante,
pero hindi maling malaman mong may importansiya ka

 *****

Kapag tinanong ka kung mahal mo ba sya, ang isagot mo Sobra,
hindi yung Sakto lang, kasi nakakapanakit ang ganung sagot

 *****

Kayang mabuhay ng babae ng walang lalaki,
pero ang lalaki malabo. Because girls are better halves of men

 *****

There will be a point in your life na sasabihin mong,
“Eto ba yung iniyakan ko? Grabe ang pangit lang pala nya."

*****

Bakit masakit yung katotohanan na minsan kahit gaano ka sweet, ka lambing, ka close, ka bait sayo ng isang tao. Hindi ka pa din niya kayang mahalin? Simple lang.Dahil hindi mo tanggap na kahit gaano ka man KAHALAGA sa kanya, bumabalik pa rin sa katotohanan na.Iba pa rin talaga ang MAHAL sa MAHALAGA.

***** 

Pabayaan mo na ang pride, madali lang namang itulog yan.
Ang importante hindi mawala ang taong mahal mo

***** 

To live your life to the fullest is to share it
with someone who can make you want to live forever

***** 

Kala mo ikaw ang gusto niya. Yun pala…
kaya ka niya kailangan kasi, barkada mo yung gusto niya.

***** 

Napakahirap na magpaalam sa taong pinakamamahal mo,
Na pinangarap mo ng gumising na kayo ang magkasama sa bawat umaga

***** 

It’s the number of years that makes you age
but it’s how you spent it that will allow you to grow

*****

Someone has brought you pain, but that will give you a lesson that you will carry for
the rest of your life.

*****

Hanggang single ka, mahalin mo lang yong sarili mo.
Sobrang sobrang mahalin mo yung sarili mo.
Gawin mo lahat ng gusto mong gawin.
Wag kang magmadali na makahanap ng bago. Enjoy mo lang yung pagkasingle mo.

*****

SACRIFICE is the only language of LOVE. wag kang humingi ng paliwanag kung wala kang balak MANIWALA at lalong wag kang MAGMAHAL kung wala kang balak MAGTIWALA.

*****

Walang lugar ang pride sa pagmamahalan.
Pero kahit minsan naman, samahan nating ng konting
kukote ang ating mga damdamin.

*****

Kung wala ka pa talagang napipili,
take your time kung sino ba talaga?
minsan dyan tayo napapahamak sa pagmamadali.

*****

DISADVANTAGE ng MAGAGANDA: Nililigawan ka lang dahil sa Maganda ka.”

*****

Eto para to sa mga lalake, Be man enough to say na "ayaw mo na"
Hindi yung basta basta ka na lang hindi magpaparamdam. Isa kasi sa
pinakamasakit ang umasa na meron pa, pero sa totoo lang walang wala na...

*****

Kung may mga taong sadyang hindi ka pinapahalagahan,
mas mabuting ipamukha mo sa kanila na hindi sila kawalan.

*****

Matuto kang maghintay at makuntento sa kung anong binigay sa'yo.
Mamaya sa kakamadali mo na magkaroon ng bago,
magkamali ka pa ng pagpili. Sige ka, ikaw rin.

*****

When you decide to fall in love, you need to accept
the reality that your life won't be normal anymore.
Ganyan ang pagmamahal pwedeng baguhin ang lahat.

*****

Pag nagmahal ka para kang nakasakay sa sasakyan na walang preno.
Kahit alammong masasaktan ka, take the ride, at least sumubok ka.

*****

Huwag kang magmadaling sagutin yung manliligaw mo.
Ano yan? Christmas rush!!
Kasi magpapasko na kaya kailangan mo ng boyfriend!!?

*****

Kung kailan wala na siya. doon mo pa lang marerealize kung gaano
kalaki ang kulang kapag wala na sya sa buhay mo.

*****

Enjoy mo lang yung pagiging malaya na naibibigay sayo ng pag-iisa.
Para kapag dumating na 'yung taong para sayo at tumibok ulit yung puso mo.
Wala kang pagsisisihan. Hindi mo na rin kakailanganin o magagawang umasta
na parang single kasi nagawa mo na yun lahat nung wala pa siya.
Lahat ng bagay may oras at lugar. - Papa Jack Quotes

Payo ni Tata Lino



“Parang napkin ang mga babae, hindi dapat ginagamit ng mga lalake.”

*****

“Yang mga taong mahilig manlait, mas masahol pa sa mga pangit.”


******

"Kung TAWAD lagi ang hinihingi mo, edi sana palengke nalang ang shinota mo!"

*****

"Kung ayaw mo mabastos wag ka magsuot ng kapos."

******

“Pano ka makaka'move on? Kung puro ka throwback.”

******

“Bantayan ka man nya o hindi pag mahal mo ang isang tao, hindi ka lalandi”

******

"Saka ka humanap ng relasyon para sa puso mo kung natangal mo na yung mga palakol sa grades mo."

******

"Walang kaibikaibigan kapag puso ang pinaglalabanan."

******

"Ang ibang tao parang ihi. papakiligin ka pero sa bandang huli iiwan a din nyan."

******

“Kung tingin mo kayaman ang iyong mukha, mabuti pang ibaon na yan sa lupa!”

******

"Totoo bang ang mga babae sensitive?

Ang mga babae ay sensitive lalo na kung ang lalaki sobrang manhid."

******

“Aanuhin nyo ang pag-ibig na Wagas…

Kung wala kayong pambiling Bigas?”


******

"Ang pag ibig parang electric fan walang manlalamig kung laging nasa no. 1"

******

"Sa panahon ngayon, kapag nahulog ka, sahig nalang ang sasalo sayo."

******

"Sa panahon ngayon, Gadgets ang iningatan, ang puso'y pinaglaruan. "

******

"Kaya may mga babaeng mapait..
Kasi dahil sa mga lalaking sobrang sweet na nanakit sa kanila."

******

""Tata Lino, may crush ako pero hindi siya gwapo?"
Hipon man sa iyong paningin, pag nilagay sa sinigang yummy padin!"

******

"Wag ka na kasing mag expect wala syang pakialam sayo."

******

"kung kayamanan ang tingin mo saiyong muka 

buti pa ibaon na natin yan sa lupa"